Mga dhikr sa gabi
اللَّهُمَّ أَنْتَ رَبِّي لَا إِلَهَ إِلَّا أَنْتَ ، عَلَيْكَ تَوَكَّلْتُ ، وَأَنْتَ رَبُّ الْعَرْشِ الْعَظِيمِ , مَا شَاءَ اللَّهُ كَانَ ، وَمَا لَمْ يَشَأْ لَمْ يَكُنْ ، وَلَا حَوْلَ وَلَا قُوَّةَ إِلَّا بِاللَّهِ الْعَلِيِّ الْعَظِيمِ , أَعْلَمُ أَنَّ اللَّهَ عَلَى كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ ، وَأَنَّ اللَّهَ قَدْ أَحَاطَ بِكُلِّ شَيْءٍ عِلْمًا , اللَّهُمَّ إِنِّي أَعُوذُ بِكَ مِنْ شَرِّ نَفْسِي ، وَمِنْ شَرِّ كُلِّ دَابَّةٍ أَنْتَ آخِذٌ بِنَاصِيَتِهَا ، إِنَّ رَبِّي عَلَى صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ.
O Allah, Ikaw ang aking Panginoon; walang karapat-dapat sambahin maliban sa Iyo. Sa Iyo ako nagtitiwala at Ikaw ang Panginoon ng Dakilang Trono. Ang anumang niloob ni Allah ay nangyari at ang anumang hindi Niya niloob ay hindi nangyari. Walang pagbabago o lakas maliban sa pamamagitan ni Allah, ang Kataas-taasan, ang Dakila. Alam kong si Allah ay may kakayahan sa lahat ng bagay at saklaw ng Kanyang kaalaman ang lahat ng bagay. O Allah, nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa kasamaan ng aking sarili at sa kasamaan ng bawat nilalang na gumagalaw na hawak Mo ang noo. Tunay na ang aking Panginoon ay nasa tuwid na landas.
ذِكْرٌ طَيِّبٌ.
Isang mabuting pag-alaala.
Paliwanag at sanggunian
الْحَدِيثُ ضَعِيفٌ، وَلَكِنْ إِذَا عَمِلَ بِهِ الْإِنْسَانُ رَجَاءَ أَنْ يَنْفَعَهُ اللَّهُ بِهِ فَهُوَ ذِكْرٌ طَيِّبٌ، وَهُوَ ذِكْرٌ عَظِيمٌ ذِكْرٌ طَيِّبٌ لَا بَأْسَ بِهِ، لَكِنْ مِنْ غَيْرِ اعْتِقَادِ أَنَّهُ يَحْصُلُ بِهِ هَذَا الْمَطْلُوبُ، وَبِغَيْرِ اعْتِقَادِ أَنَّهُ سُنَّةٌ، لَكِنَّهُ ذِكْرٌ مِنْ أَعْظَمِ الذِّكْرِ الْمَشْرُوعِ.
Mahina ang hadith. Gayunman, kung bibigkasin ito ng isang tao na umaasang pakikinabangan siya ni Allah sa pamamagitan nito, ito ay isang mabuti at dakilang pag-alaala na walang masama rito, ngunit hindi dapat paniwalaan na tiyak na makakamit sa pamamagitan nito ang nabanggit na layunin o na ito ay isang itinatag na sunnah. Ito ay kabilang sa mga dakilang ipinahihintulot na pag-alaala.