اللَّهُمَّ أَحْيِنَا مُسْلِمِينَ ، وَتَوَفَّنَا مُسْلِمِينَ ، وَأَلْحِقْنَا بِالصَّالِحِينَ.
اللَّهُمَّ أَبْرِمْ لِهَذِهِ الْأُمَّةِ أَمْرَ رُشْدٍ ، يُعَزُّ فِيهِ أَهْلُ طَاعَتِكَ ، وَيُذَلُّ فِيهِ أَهْلُ مَعْصِيَتِكَ ، وَيُؤْمَرُ فِيهِ بِالْمَعْرُوفِ ، وَيُنْهَى فِيهِ عَنِ الْمُنْكَرِ.
اللَّهُمَّ صَلِّ وَسَلِّمْ وَبَارِكْ عَلَى عَبْدِكَ وَرَسُولِكَ مُحَمَّدٍ وَعَلَى آلِهِ وَصَحْبِهِ أَجْمَعِينَ.
O Allah, panatilihin Mo kaming buhay bilang mga Muslim, kunin ang aming mga buhay bilang mga Muslim at isama kami sa mga matutuwid.
O Allah, maghanda Ka para sa pamayanang ito ng isang matuwid na kalagayan kung saan pinararangalan ang mga sumusunod sa Iyo, pinahihiya ang mga sumusuway sa Iyo, inuutos ang mabuti at ipinagbabawal ang masama.
O Allah, ipadala Mo ang Iyong pagpapala at kapayapaan sa Iyong lingkod at Sugong si Muhammad, sa kanyang pamilya at sa lahat ng kanyang mga kasamahan.
"رَّبِّ ٱغۡفِرۡ لِي وَلِوَٰلِدَيَّ وَلِمَن دَخَلَ بَيۡتِيَ مُؤۡمِنٗا وَلِلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِۖ وَلَا تَزِدِ ٱلظَّٰلِمِينَ إِلَّا تَبَارَۢا٢٨". [نُوحٍ - 28].
"رَبِّ إِنِّيٓ أَعُوذُ بِكَ أَنۡ أَسۡـَٔلَكَ مَا لَيۡسَ لِي بِهِۦ عِلۡمٞۖ وَإِلَّا تَغۡفِرۡ لِي وَتَرۡحَمۡنِيٓ أَكُن مِّنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ٤٧". [هُودٍ - 47].
"رَّبِّ أَنزِلۡنِي مُنزَلٗا مُّبَارَكٗا وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلۡمُنزِلِينَ٢٩". [الْمُؤْمِنُونَ - 29].
“Panginoon ko, patawarin Mo ako, ang aking mga magulang, ang sinumang pumasok sa aking bahay bilang mananampalataya, at ang mga mananampalatayang lalaki at babae; at huwag Mo nang dagdagan ang mga gumagawa ng kawalang-katarungan maliban sa kapahamakan.” [Nuh 28]
“Panginoon ko, nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa paghingi sa Iyo ng hindi ko nalalaman. Kung hindi Mo ako patatawarin at kaaawaan, ako ay mapapabilang sa mga talunan.” [Hud 47]
“Panginoon ko, ibaba Mo ako sa isang pinagpalang dako; Ikaw ang pinakamahusay sa mga nagpapababa.” [Al-Muminun 29]
Iyong pang-araw-araw na azkar, kahit walang internet. Libre.
Android · iPhone · iPad